ANG KAPATID NA FELIX Y. MANALO ANG KATUPARAN NG HINUHULAAN NI PROPETA ISAIAS NA IBONG MANDARAGIT

NA TUMATAWAG NG IBONG MANGDADAGIT MULA SA SILANGANAN, NG TAONG GUMAGAWA NG AKING PAYO MULA SA MALAYONG LUPAIN; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.” (Isaias 46:11)

Maraming manunuligsa ang hindi makatanggap na ang katuparan ng hula sa aklat ni Propeta Isaias patungkol sa Sugo ng Diyos na itinulad ang gawain sa Ibong Mandaragit na Kaniyang tinawag mula sa Silanganan.

Ang sabi ng isang Katolikong bumabatikos sa Sugo ay patunayan ko raw na ang Kapatid na Felix Y. Manalo ang tinutukoy ni Propeta Isaias na Ibong Mandaragit. Upang lubusan nating maunawaan ito, isa-isahin natin ang katangian na binanggit sa talatang Isaias 46:11.

1) TAONG GUMAGAWA NG AKING PAYO

2) MULA SA MALAYONG LUPAIN

Ayon sa Biblia, ano ba ang katumbas na banggit na “payo”? Ating basahin ang sagot sa atin ng Banal na Kasulatan sa Awit 107:11,

“Sapagka’t sila’y nanghimagsik laban sa MGA SALITA NG DIYOS, at hinamak ang PAYO NG KAYAASTAASAN:”

Maliwanag na ating nabasa na ang payo ng Diyos ay ang Kaniyang mga salita. Ano pa ang ipinapapansin sa atin:

Awit 119:172; “Awitin ng aking dila ANG IYONG SALITA; sapagka’t LAHAT NG MGA UTOS MO AY KATUWIRAN.”

Nilinaw sa atin na ang salita ng Diyos ay ang Kaniyang payo. At ang Kaniyang mga utos ay ang katuwiran. Samakatuwid, ang sinumang gumagawa ng katuwiran ng Diyos na naaayon sa Kaniyang mga salita ay ang gumagawa ng Kaniyang payo:

“Kaya’t, Oh hari, tanggapin mo ANG AKING PAYO, at lansagin mo ng KATUWIRAN ang iyong mga kasalanan, at ng pagpapakita ng kaawaan sa dukha ang iyong katampalasanan; baka sakaling ikatibay ng iyong katiwasayan.” (Daniel 4:27)

Pinatutunayan rin ni Propeta Isaias na ang TAONG GUMAGAWA NG PAYO NG DIYOS ay mangangaral ng salita ng Diyos.

Isaias 26:7Ang daan ng ganap ay katuwiran: ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap.”

Saan naman itinulad ang gawain ng taong gumagawa ng payo ng Diyos? Ito ang paliwanag sa atin ni Apostol Juan:

1 Juan 3:7: “Mumunti kong mga anak, huwag kayong padaya kanino man: ANG GUMAGAWA NG KATUWIRAN AY MATUWID, GAYA NIYA NA MATUWID:”

“Ang gumagawa ng katuwiran ay gaya niya na matuwid.” Sino ba ang tinutukoy na matuwid na dapat tularan ng sugong mangangaral? Si Apostol Juan pa rin ang sasagot sa atin sa 1 Juan 2:1,

“Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo’y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, SI JESUCRISTO ANG MATUWID:”

Ibig sabihin, ang taong gumagawa ng payo o katuwiran ng Diyos ay may pagkakatulad sa ating Panginoong Jesucristo na matuwid. Nalalaman natin na si Jesus ay nangaral ng Salita ng Diyos kaya ang “Ibong Mandaragit” ay tagapagturo rin ng salita ng Diyos:

Juan 14:24: “Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.”

Dumako naman tayo sa ikalawang bahagi. Alin ang tinutukoy na Malayong Lupain? Sa Isaias 43:5 sa salin ni James Moffat ay ganito ang ating mababasa:

FROM THE FAR EAST I will bring your offspring…”

Ayon kay Propeta Isaias, ang malayong lupain na tinutukoy niya ay ang Malayong Silanganan. Kung magkagaהyo’y saan ba ang Malayong Silanganan na ito? Maniniwala ba kayo na ang “far east” ay ang Pilipinas? Sige, ganito. Upang hindi maging opinion-based at biased ang katunayan ko, sisipi tayo ng aklat-Kasaysayan upang patunayan na ang Pilipinas ay ang Malayong Silanganan. Ganito ang ating mababasa sa World History nina Boak, Slosson and Anderson, sa pahina 445:

THE PHILIPPINES were Spain’s share of the first colonization movement in the FAR EAST.”

Kaya natitiyak po natin na hindi si Ciro ang Ibong Mandaragit sapagkat hindi naman siya isang pastor o mangangaral. Kaming mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay nanampalataya na ang Kapatid na Felix Y. Manalo ang hinuhulaan ni Propeta Isaias sapagkat inilahad na rin niya ang panahon kung kailan lilitaw ang sugong tagapangaral na ito:

“Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na MULA SA MGA WAKAS NG LUPA;” (Isaias 43:5-6)

Ang ibong mandaragit pala’y lilitaw sa panahong mga wakas ng lupa. Paano tayo nakatitiyak na ang banggit na “mga wakas ng lupa” ay panahon?

H7097

Original: קצה קצה

Transliteration: qâtseh qêtseh

Phonetic: kaw-tseh’

BDB Definition:

  1. end, extremity
    1. end, mouth, extremity
    2. border, outskirts
    3. the whole (condensed term for what is included within extremities)
    4. at the end of (a certain time)

Ang “end” o “kaw-tseh'” sa wikang Hebreo ay nangangahulugang “at the end of o certain time”. Paano tayo nakakatiyak na panahon nga talaga ang depinisyong ginamit sa talatang ito? Sa Strong’s Dictionary pa rin, ganito ang ating pag-aralan:

H7097

קצה קצה

qâtseh qêtsehR

kaw-tseh’\ kay-tseh’

Total KJV Occurrences: 97

after, 1

Jos 3:2

border, 2

Exo 19:12; Jos 4:19 (refs2)

borders, 1

Exo 16:35

brim, 1

Jos 3:15

brink, 1

Jos 3:8

coast, 1

Num 34:3

coasts, 1

Eze 33:2

edge, 6

Exo 13:20; Exo 26:5; Exo 36:12; Num 33:6; Num 33:37; Jos 13:27 (refs6)

end, 50

Gen 8:3; Gen 23:9; Gen 47:21 (refs3)(2);Exo 26:28(2); Exo 36:33; Deu 13:7(refs2)(2); Deu 14:28; Deu 28:49; Deu 28:64; Jos 9:16; Jos 15:5; Jos 15:8; Jos 18:15; Jos 18:16; Jos 18:19; Jdg 6:21;Rth 3:7; 1Sa 9:27; 1Sa 14:27; 1Sa 14:43;2Sa 24:8; 1Ki 9:10; 2Ki 8:3; 2Ki 18:10;Psa 19:4; Psa 19:6; Psa 46:9; Psa 61:2;Isa 2:7 (refs23)(2); Isa 5:26; Isa 7:3; Isa 13:5; Isa 42:10; Isa 48:20; Isa 49:6; Isa 62:11; Jer 12:12 (refs8)(2); Jer 25:33(2);Jer 51:31; Eze 3:16; Eze 39:14; Eze 48:1;Nah 2:9; Nah 3:3 (refs6)

ends, 6

Psa 135:7; Pro 17:24; Isa 43:6; Jer 10:13; Jer 25:31; Jer 51:16 (refs6)

frontiers, 1

Eze 25:9

infinite, 1

Nah 3:9

other, 3

Exo 36:33; Deu 4:32; Deu 28:64 (refs3)

outermost, 1

Deu 30:4

outside, 3

Jdg 7:11; Jdg 7:17; Jdg 7:19 (refs3)

part, 8

Num 23:13; Jos 15:1; Jos 15:5; 1Sa 14:2; 2Ki 7:5; 2Ki 7:8; Neh 1:9; Isa 7:18(refs8)

parts, 1

Num 11:1

quarter, 2

Gen 19:4; Isa 56:11 (refs2)

shore, 1

Jos 15:2

side, 1

Deu 4:32

some, 1

Gen 47:2

utmost, 2

Num 22:36; Num 22:41 (refs2)

uttermost, 2

Num 20:16; Jos 15:21 (refs2)

Maliwanag po na ginamit ang termimong “ends” ay tumukoy sa panahon.

Para sa kaalaman ng lahat, ang Iglesia Ni Cristo ay naniniwala na ang terminong mga “wakas ng lupa” na binabanggit sa hula ni Propeta Isaias ay panahon, at hindi dako. Nilinaw sa atin ng Panginoong JesuCristo na ang panahong mga “wakas ng lupa” ay ang Kaniyang muling pagparito o panahon kung saan ay malalaman nating malapit na ang wakas.

“At samantalang siya’y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging TANDA NG IYONG PAGPARITO, at ng KATAPUSAN NG SANLIBUTAN? … At MANGAKAKARINIG KAYO NG MGA DIGMAAN AT MGA ALINGAWNGAW NG MGA DIGMAAN; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. … Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga.” (Mateo 24:3,6,7 & 33)

Ating nabasa na nagbigay ng ilang palatandaan ang Panginoong Jesucristo. Ayon sa Kaniya, “pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito ay talastasin ninyo na siya’y malapit na…”. Ang tagpong ito ay nang sumagot ang Panginoong Jesucristo nang tanungin Siya ng Kaniyang mga alagad kung ano ang palatandaan ng muli niyang pagparito. Ayon sa ating Panginoong Jesucristo, “at mangagkakarinig kayo ng mga digmaan”. Ang tinutukoy na digmaang ito ay lalahukan ng mga bansa laban sa mga bansa. Ito ay inilarawang digmaang aalingawngaw o ito ay mabilis na lalaganap at makikilala ng lahat. Kailan ba ito natupad? Ganito ang sagot sa atin ng mananalaysay ng kasaysayan:

“The war to end all wars,”or the First World War which began on July 27, 1914. (Story of the Great War, edited by Francis J. Reynolds, et al. New York: P.F. Collier and Son 1916, Vol. 2 p.,291)

At malinaw na ito ay natupad noong July 27, 1914 kaalinsabay ng pagkakarehistro ng Iglesia Ni Cristo sa gobyerno ng Pilipinas upang matupad ang hula na lilitaw ang sugo ng Diyos sa panahong mga wakas ng lupa.

PAGLALAGOM: Ating napatunayan na ang sugong tapangaral ng Diyos na itinulad ang gawain sa Ibong Mandaragit ay lilitaw sa panahong mga wakas ng lupa (July 27, 1914) at siya’y manggagalung aa Malayomg Silangan (Pilipinas). At ito nga ay natupad sa Kapatid na Felix Y. Manalo.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started