SI CRISTO AY PLANO PA LAMANG, AT HINDI PA EXISTIDO NOON.

Paulit-ulit na lang naming tinatalakay sa inyo ang tungkol sa pinagmulan ng Cristo. Sa kabila ng mga katotohanang paulit-ulit na itinatanim sa inyong isipan ay patuloy ninyo pa rin pinapatigas ang inyong puso na tanggapin ito. Gayunpaman, ang Iglesia Ni Cristo ay hindi magsasawang ipaalala sa inyo ito dahil nais ng Diyos na lahat ng tao ay makaalam ng katotohanan buhat sa Kaniyang kalooban:

“Ito’y mabuti at nakalulugod sa Dios na ating Tagapagligtas, na nagnanais na maligtas ang lahat ng tao at makakilala sa katotohanan.” (1 Tim. 2:3-4 NPV)

Kaya muli nating sariwain, ano ba ang pagtuturo ng Biblia tungkol sa pinagmulan ni Cristo, ganito ang sinasaad ng sulat ni Apostol Pablo, ating basahin:

Na kanyang ipinangako noong una sa pamamagitan ng kanyang mga propeta sa mga banal na kasulatan, tungkol sa kanyang Anak na mula sa binhi ni David ayon sa laman” (Roma 1:2-3 ABAB)

Ibig sabihin, si Cristo ay hindi pa existido noon ngunit nilinaw sa atin na Siya’y ipinangako na ng Diyos noong una. Kaya maliwanag na bago pa lalangin ang sanlibutan ay nasa isip na siya ng Diyos:

Pinili na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at ipinahayag siya alang-alang sa inyo, bago sumapit ang katapusan ng mga panahon.” (1 Pedro 1:20 MBB)

Kaya nga ang banggit ni Apostol Pablo ay “panganay” dahil sa pasimula pa lang Siya ay plano na.

“Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;” (Colosas 1:15 ADB)

Kaya malinaw sa atin na Siya’y hindi pa existido noon kundi isang plano na nasa isip na ng Diyos na Kaniyang ipinangako sa Kaniyang mga lingkod:

“At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32)

Nawa ang katotohanang ito’y tumatak sa bawat isipan ng mga nagsusuri na nagtatanong tungkol sa tunay na pinagmulan ni Cristo. Magpatuloy pa kayong magsuri sa mga dalisay na aral ng Diyos na itinataguyod ng Iglesia Ni Cristo.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started